-- Advertisements --

Iminumungkahi ng isang propesor ang pagkakaroon ng ‘political pressure’ sa kongreso ng Pilipinas upang magpasa ito ng batas kontra political dynasty.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Professor Maria Cielo Magno, former finance undersecretary, ibinahagi niyang dapat obligahin ang mga mambabatas na gumawa ng hakbang hinggil rito.

Aniya, mahalaga din ang pakikibahagi ng publiko upang i-pressure ang mga nakaupo sa gobyerno na sundin ang kanilang mandato sa konstitusyon ng bansa.

Kung saan ipinaliwanag nito na ang hindi pagkilos ng kongreso na magpasa ng Anti-Political Dynasty law ay masasabing labag umano sa batas.

Nakasaad raw kasi sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution ang pagbibigay ng equal access sa mga Pilipino na mabigyang pagkakataon na makapaglingkod kasabay ng prohibition sa mga political dysnasty.

Dahil dito umaasa siya kasama ang ilang mga koalisyon, grupo at indibidwal na diringgin ng Korte Suprema ang kanilang inihaing Petition for Certiorari at Mandamus kahapon.

Bagama’t aminado syang may mga nauna ng nagsumite at nagpanukala ng batas na naglalayong wakasan ang political dynasty sa bansa, mariin niyang iginiit na hindi naman ito naipapasa.

Kaya namn dahil dito, naniniwala siyang sa pamamagitan ng kanilang petisyong inihain ay mismong Korte Suprema na ang gagawa ng hakbang hinggil rito.