-- Advertisements --

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte kung bakit agad siyang nakapunta sa The Hague, Netherlands para dalawin ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagharap niya sa mga Filipino sa labas ng International Criminal Court sinabi nitong kaya siya mayrong Schengen visa ay dahil kay Taylor Swift.

Noong nakaraang mga buwan kasi ay hiniling ng kaniyang anak na umiidolo kay Swift na nais niyang manood ng concert nito.

Ayon pa sa pangalawang pangulo na pinayuhan ang anak na doon na lang sa mga bansa tiyak na hindi gaanong karaming tao ang manonood gaya sa Munich kaya ito ang kaniyang napili.

Magugunitang nabatikos noon ang pangalawang pangulo dahil sa pagbisita niya sa Munich ng personal lakad kahit mayroong nagaganap na bagyo sa bansa.