-- Advertisements --

Dapat tiyakin umano ng Kamara ang pagkakaroon ng tunay na minority leader sa darating na 18th Congress.

Sa isang statement, iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang magiging bagong minority leader ay dapat hindi partisan ng Duterte administration o pinili ng ruling majority.

Ayon sa kongresista, sa ngayon marami na sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa supermajority ang nagpahayag ng kanilang interes sa pagtakbo bilang Speaker.

Ang payo raw niya sa mga aspirants na ito na pumili na lamang ng kandidato para sa speakership post.

Ayaw na raw kasi niyang maulit ang nangyari noong 17th Congress na pawang mga kaalyado ng Pangulo ang naupo bilang Speaker, majority at Minority leader.

“A lone Duterte candidate for Speaker would foreclose the eventuality of a losing administration aspirant becoming the majority’s Minority Leader, an aberration which happened in the 17th Congress,” ani Lagman.