-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Suportado ng bise gobernador ng Albay ang pag-iimbestiga sa track record o mga nagawa ng Malasakit Center matapos itayo sa iba’t ibang mga rehiyon sa bansa kabilang na ang Bicol.

Maaalala na mismong ang ama nitong si Albay Rep. Edcel Lagman ang nagtanong sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng legal basis ng pagbibigay ng pondo ng ahensya sa naturang health centers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Vice Governor Edcel Greco Lagman, pinuna nito ang pagkakasabit ng pangalan niya sa pagdepensa ni Sen. Bong Go sa Malasakit centers na itinayo sa Albay.

Nilinaw nito ang presensya sa pagbubukas ng naturang cente lalo na ang inimbitrahan ng naturang opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ng nakababatang Lagman na walang kinalaman ang argumento ni Go sa tunay na isyu ng naturang pasilidad.
Last edited by Bombo Bam on Mon Aug 26, 2019 7:56 pm, edited 1 time in total.