-- Advertisements --

Itinuturing na isa lamang tsismis umano ang impormasyon na isang dating PNP chief ang tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na tumakas sa bansa.

Sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group chief PMGen. Leo Francisco, na kaniyang nakausap si Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) Raul Villanueva at sinabing wala itong matibay na ebedensiya.

Una isinawalat ni Villanueva, na bilang retiradong sundalo, sa senado na mayroong dating PNP chief ang tumatanggap din ng payola kay Guo.

Dahil sa pagsisiwalat ni Villanueva ay ititigil na ng PNP ang kanilang imbestigasyon para tukuyin kung sino ang sinasabing dating PNP chief.