-- Advertisements --

Idinepensa ni Philippine National Police (PNP) chief police dir. General Ronald Dela Rosa ang mga Special Action Force (SAF) troopers kaugnay sa pagkakasangkot ng mga ito sa umano’y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y kasunod sa alegasyon noong nakaraang taon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang mga nakatalagang police commando kung saan kasabwat umano ang mga ito ng mga nakakulong na drug lord.

Sa turnover ceremony kanina, sinabi ng PNP chief na pilit sinisiraan ang mga SAF, pero matapos magsagawa ng validation ang PNP tungkol sa report ay negatibo naman ito.

Aniya, walang katotohanan na tumatanggap ng suhol ang mga SAF troopers.

Nabatid na nakatakdang pamunuan ni Dela Rosa ang NBP kapag siya ay nagretiro na sa serbisyo, kung saan pinangalanan siyang susunod na Bureau of Corrections chief.