-- Advertisements --
Patuloy pa ring iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagkakasunog sa basement ng National Printing Office (NPO) sa Barangay Pinyahan, Quezon City.
Una rito ang unang alarm ay itinaas noong dakong alas-10:00 ng gabi kagabi ng Lunes.
Matapos ang ilang oras ay agad namang naapula ang nasabing sunog.
Sinabi ni Fire chief inspector Joseph Del Mundo ng Quezon City Fire District na nahirapan silang mapasok ang lugar dahil sa sobrang kapal ng usok.
Inaalam pa nilang mabuti ang sanhi ng sunog sa nasabing opisina.
Kung maaalala nito lamang nakalipas na halalan naging malaking trabaho ng NPO ang pag-imprenta ng mga balota na ginamit sa May 13 synchronized elections.