-- Advertisements --

Pabor mismo sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakatala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay P/Lt Gen Archie Gamboa bilang chief PNP.

Ayon kay Lacson, hirap mismo ang pambansang pulisya sa maraming bagay hangga’t walang full-time chief na nangunguna.

Katunayan, naging paksa pa umano ito sa budget deliberation ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Maging ang National Police Commission (Napolcom) ay aminadong hindi kayang mabigyan ng posisyon bilang ex-officio member ng Napolcom ang isang opisyal na hindi pa naitatalagang CPNP.

“Sa PNP, maraming qualified pero mabuti nakapag-appoint din pagkatapos ng ilang buwan din na OIC. Kasi pagka OIC lang, limitado ang authority ang power ng CPNP kasi hindi permanent CPNP. Natatandaan ko noong budget deliberation ng DILG, naroon din ang Napolcom, hiniling ko nga sa kanila na by way of a Napolcom resolution baka pwedeng ibigay sa kanya ang authority ng isang full-time CPNP. Nang inaral nila, hindi nila magawa ang gawin siyang ex-officio member ng Napolcom. Importante yan kasi siya ang nagre-represent ng PNP sa Napolcom. Dahil sabi nila magiging violation yan ng PNP Law. So ngayon, dahil appointed na siyang permanent CPNP, makaupo na siya sa Napolcom bilang ex-officio member,” wika ni Lacson.