Umani ng magkakahalong reaksyon ang pagkakatalaga kay Robin Padilla bilang chairperson ng Strategic Communication Committee ng Philippine Army Multi Sectoral Advisory Board (PA MSAB).
Isinagawa ang a pgboto sa nakaraang video conference na binubuo ng mga indibidwal na representative mula sa government, non-government, media, business, defense at youth sectors.
Pinalitan ng 50-anyos na actor ang dating chairperson na si Atty. Alexander Lacson.
Ilan sa mga miyembro nito ay binubuo nina Muntinlupa Rep. Rufina Biazon bilang Vice Chairperson, Davao de Oro Rep. Ruwell Peter Gonzaga bilang members district, HRS Media and Communications CEO/ Managing Director Harold Clavite at kapwa actor nito na si Matteo Guidicelli.
Ayon sa Philippine Army, na ang strategic committee ay isa sa apat na committees na kumukulekta ng trabaho mula sa promosyon at sustainability ng Army Transportation Roadmap.
Sa kanilang social media ay mayroong ibang mga nagpahayag ng kagalakan sa pagkakatalaga sa actor habang ang ilan ay kinuwestiyon ang pagkakatalaga dito.