-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy ang pangangalap ng ebidensiya ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa mga pulitiko sa Sulu na umano’y mga supporters ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ibinunyag ni WestMinCom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na mahigpit na mino-monitor ngayon ng militar ang nasabing mga politicians.

Ngunit, hindi na ipinaalam ni Sobejana kung sino ang mga nasabing pulitiko.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni WestMinCom spokesperson Maj. Ervin Encina na maraming anggulo ang kanilang tinitingnan na magpapatunay na nagbibigay ng financial support sa mga Abu Sayyaf ang nasabing mga pulitiko.

Una nang inako ng Abu Sayyaf group na sila ang responsable sa pagpamomomba sa Indanan, Sulu na ikinamatay ng walo ka tao.