Inaabangan na ng nakararami ang pormal na pagkalas ng United Kingdom mula sa pagiging parte ng European Union sa loob ng 47 na taon.
Sa isang video message na ipapalabas isang oras bago ang opisyal na pag-alis ng UK sa EU, ipapakita umano rito ang papuri ni Prime Minister Boris Johnson sa tinagurian nitong “dawn of a new era.”
Ipapaliwanag din daw ni Johnson sa naturang video message kung bakit mas makabubuti para sa kaniyang bansa na humiwalay na sa 27 EU nations.
Hihikayatin din umano ng prime minister ang mga Briton na paniwalaan ang mga nasimulang hakbang ng gobyerno at ituring ito bilang national renewal.
Nakatakda ring magsagawa si Johnson ng special Cabinet meeting bukas sa Sunderland, na unang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa Brexit sa 2016 EU referendum.
-- Advertisements --