Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagkalas ni Senator Imee Marcos sa senatorial slate ng koalisyon ng administrasyon.
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos tanungin kaugnay sa naging desisyon ng kaniyang nakakatandang kapatid na umalis sa lineup ng administrasyon at tumakbo bilang independent candidate.
Sinabi ng Pang Marcos na ang pagkalas ni Sen Imee ay magbibigay ng kalayaan para mamili ng kaniyang sariling iskedyul sa pangangampanya.
Gayunpaman siniguro ng Punong Ehekutibo na nasa likod parin at suportado ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang senadora.
Siniguro din ng Pangulo na welcome naman sir Sen Imee na dumalo sa kanilang kampanya.
“ Yup, that’s fine. That happens. I’ve run as an independent myself many times. And so, that is her choice. I suppose that gives her a little bit more scope and freedom to make her own schedule and to campaign in the way that she would like to do.But you know, the Alyansa is still behind her. We are still continuing to support her. And if down the road she chooses to join us in our campaign sorties, she is of course very welcome. Yeah,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.