-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy pang inaalam ng Department of Health (DOH) 10 ang sanhi nang pagkalason ng nasa 200 miyembro ng Seventh Day Adventist Reform Movement sa Sitio Cedar, Barangay Impalutao, Impasug-ong Bukidnon.

Sinabi ni DOH 10 spokesperson Dr. David Mendoza na nagpadala na sila ng team na siyang tututok sa mga biktima na nakaranas ng pananakit ng kanilang mga ulo, pagsusuka at pagkahilo matapos kainin ang kanilang hapunan.

Sa naturang bilang, 116 sa kanila ay dinala sa Bukidnon Medical Center; 10 sa Malaybalay Polymedic General Hospital; 21 sa Bethel Baptist General Hospital; at 33 sa St . Jude Thaddeus General Hospital.

Bukas pa aniya posibling malaman ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Ang mga biktima ay kabilang sa 600 katao na nakiisa sa National Youth Celebration.