-- Advertisements --

(Update) BAGUIO CITY – Ipinag-utos ni La Trinidad Mayor Romeo Salda ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagkalason ng 27 na kabataan sa isinagawang youth camp sa Bineng, La Trinidad, Benguet.

Tinagubilinan ng alkalde ang Municipal Health Office na magkaroon ng koordinasyon sa Benguet General Hospital para malaman kung ano ang nangyari sa mga biktima.

Tiniyak ni Salda na nasa mabuting kalagayan na ang mga nalason na kabataan dahil agad naman silang nabigyan ng gamot.

Binanggit ng alkalde na sinagot ng lokal na pamahalaan ang bayarin ng mga biktima sa ospital.

Una nang sinabi ni Dr. Ranilyn Lozañes, pinuno ng Emergency Room ng Benguet General Hospital na nakaranas ng pananakit ng ulo at loose bowel movement ang mga biktima matapos silang kumain ng champorado habang isinasagawa ang youth camp.