Pinaiimbestiahan ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat sa Kamara ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Sa kanyang inihaing House Resolution No. 336, hinimok ni Cabatbat ang House Committee on Agriculture and Food na imbestigahan ang naturang usapin upang maprotektahan ang mamimili at para magkaroon na rin ng assessment sa epekto nito sa hog industry sa Pilipinas.
“It is the responsibility of the government to take all necessary actions to protect the livelihood of our hog raisers and the hog industry as a whole,” ani Cabatbat.
Bagama’t tiniyak na ng National Meat Inspection Service na hindi banta sa kalusugan ang ASF, maari pa rin ayon sa kongresista na mapunta sa tao ang virus sa pamamagitan ng mga meat products.
Puwede pa rin kasi aniyang mabuhay ang virus kahit pa processed o canned na ang karneng baboy.
Nauna nang idineklara ng Department of Agriculture ang ASF outbreak sa Guiguinto, Bulacan at sa Rodriguez at Antipolo sa Rizal.