-- Advertisements --

Nagbabala ang gobyerno ng Vietnam na nasa panganib ng pagkalat ng coronavirus infection ang kanilang bansa.

Ito ay matapos na nagtala ng COVID-19 outbreak sa Da Nang.

Matapos kasi ang tatlong buwan na walang kasong naitala ay mayroon ng 30 kasong naitala sa central beach resort city.

Magugunitang isinara sa turista ang Da Nang at ito ay nasa total lockdown.

Nagsasagawa na rin ang mga otoridad ng contact tracing at kanilang inihihiwalay ang mga bumisita sa lugar.

Sinabi ni Prime Minister Nguyen Xuan Phuc , na dahil sa pangyayari ay posibleng lahat ng probinsiya at lungsod sa bansa ay magkaroon ng impeksyon.