Hindi lamang ang ibat ibang tourist destinations sa bansa ang tinututukan ngayon ng PNP kundi maging ang mga tinaguriang “gimmick bars” kung saan dito madalas nagaganap ang bentahan ng mga party drugs.
Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa, lahat ng miyembro ng PNP drug enforcement unit sa buong bansa ay naka-alerto at naka monitor sa bentahan ng iligal na droga.
Bukod sa mga tourist destinations at mga beach resorts sa bansa, mino-monitor din ng mga pulis ang ibat ibang mga gimmick bars.
Partikular na tinukoy ni Dela Rosa ang mga gimmick bars na matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Aniya, batay sa impormasyon na kanilang natanggap na bumabalik na rin ang bentahan ng mga party drugs gaya ng ecstacy.
Sa panayam kay PNP chief kaniyang sinabi na tukoy na nila ang supplier ng party drugs sa BGC at maiksi lamang ang apelyido nito.
Babala ng heneral na mino monitor na ito ngayon ng PDEA at PDEG.