-- Advertisements --
NAGA CITY – Umabot na sa P12 million ang lugi ng Bicol Central Station, Naga City simula ng ipasailalim sa Enhanced Community Quarantine hanggang sa kasalukuyang modified generala community quaratin (MGCQ) ang naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonoy Reforsado, operations manager ng Bicol Central Station, sinabi nitong bawat taon nasa P30 million ang kanilang inaasahang kita.
Ngunit, aniya, umaasa sila na sa pamamagitan ng paunti-unting adjustment ay makakabawi pa rin sila dito.
Dagdag niya, kahit pa magpatuloy ang community quarantine, kaunti na lamang ang kanilang magiging lugi.
Samantala, sa kasalukuyan, iilang ruta pa lamang ang pinapayagang bumiyahe sa naturang lugar.