-- Advertisements --

Tinawag ng mga opisyal ng France na isang pinakagrabeng insidente sa mga migrants ang pagkakalubog ng kanilang bangka na ikinasawi ng 31 migrants habang nasa English Channel sa karagatang bahagi ng Calais sa northern France.

Nagsagawa na ng paghahanap ang mga otoridad sa Pas-de-Calais Strait.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si French Prime Minister Jean Castex sa pamilya ng mga nasawing biktima.

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay 243 katao ang nailigtas sa English Channel dahil sa pagtatangka nilang tumawid sa United Kingdom.