NAGA CITY – Nilinaw ng Pili Municipal Police Station na hindi typhoon related ang dahilan ng pagkalunod at pagkamatay ng mag-live in partner na natagpuan Brgy. Curry, Pili, Camarines Sur.
Kung maaalala, una nang kinilala ang mga biktima na sina Simeon Sto. Domingo, 61-anyos, at Precy Panganiban, 56-anyos, residente ng naturang bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PLt. Fatima Ibias-Lanuza, tagapagsalita ng Pili MPS, sinabi nito na hindi maituturing na typhoon related ang naturang insidente.
Ayon dito, tapos na umano ang bagyo nang mangyari ang insidente.
Una rito, batid aniya ng mga biktima na binabaha ang naturang lugar kung saan ang mga ito natagpuan na wala nang buhay.
Samantala, batay naman sa medical report ng mga biktima, walang nakitang foul play sa pangyayari kung kaya pagkalunod ang tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa pakamatay ng mga ito.
Sa ngayon, hangad na lamang ni Lanuza na makarating sa kinauukulan ang problema ng mga mamamayan sa lugar hinggil sa pagbabaha sa lugar tuwing dumadating ang panahon ng tag-ulan at para na rin maiwasan ang naturang insidente.