-- Advertisements --
Cyprus map basic
IMAGE | Cyprus/Wikipedia

DAGUPAN CITY – Ipinagutos na ng pangulo ng bansang Cyprus ang imbestigasyon sa kaso ng natagpuang bangkay ng tatlong Pinay at pag-amin ng suspek sa krimen.

Sa pamamagitan ng isang liham, ipinaabot ni President Nicos Anastasiades ang kanyang pakikidalamhati sa pamilya ng tatlong nasawi at sa iba pang kababaihan ng kanyang bansa nai-ulat na nawawala.

Hinikayat din nito ang mga kababayan na manatiling kalmado dahil tiyak na mananagot ang suspek na isang Greek-Cypriot army officer.

Batay sa ulat ni Charge d’Affaires Judy Barbara Robianes ng Philippine Embassy sa Athens, Greece na mula 2017 pa pinaghahanap ng mga otoridad sa Cyprus ang dalawa sa tatlong nasawi na mag-ina.

Itinuro rin umano ng salarin ang firing range sa labas ng capital city ng Nicosia kung saan niya itinapon ang bangkay ng mga biktima.

Nabatid din na isa pang babaeng Asian at Romanian at anak nitong babae ang kabilang sa mga pinatay ng suspek.

Natagpuan naman ang dalawang bangkay ng Pinay sa isang abandonadong mine shaft nitong April 14, habang patuloy na hinahanap ng mga otoridad ang anak na babae ng isa mga biktima.