-- Advertisements --
My Post 2
IMAGE | Makati Mayor Abby Binay, former Mayor Junjun Binay

Todo depensa si incumbent Makati City Mayor Abigail Binay matapos silang magkainitan ng kapatid at kalaban sa halalan na si Junjun sa isang forum nitong Sabado.

Iginiit ng alkalde ang ginawa umanong pambibintang sa kanya ng kapatid bilang nasa likod ng pagpaslang sa namatay nitong aide kamakailan.

Ayon kay Abby, hindi makatwiran ang istilo ng pangangampanya ni Junjun na tila dinadaan sa pagbibigay ng maling impormasyon ang panliligaw ng boto sa mga botante.

“Hindi dapat ganu’n ang klase ng kampanya. Basta ang sabi ko sa kanya, ikaw ang nag-umpisa. He must be hearing things because I didn’t say anything after that. Nag-freak out siya. I was just sitting there.”

Nitong Sabado nang magbanggaan sa forum ng Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV)  sa San Ildefonso Church sa Makati ang magkapatid matapos magbigay ng kanyang talumpati ang incumbent mayor.

Nagtaasan ng boses dalawa at nagduruan na agad namang inawat ng hepe ng Makati City PNP at kanilang ama na si dating Vice Pres. Jejomar Binay.

Depensa naman ni Junjun, na dati na ring alkalde ng siyudad, sinigaw-sigawan sya ng nakatatandang kapatid kaya niya ito nasagot.

Agad humingi ng tawad ang magkapatid sa mga organizers dahil sa idinulot ng kanilang pagtatalo sa forum.