Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na minomonitor na nila ang posibleng papalit kay alyas Abu Dar na siyang nagsilbing lider sa sumiklab na Marawi siege noong 2017.
Ito’y kasunod ng pagkumpirma ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Philippine Army na kabilang si Abu Dar sa apat na teroristang nasawi sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nila at ng mga tropa ng 49th Infantry Battalion sa Tubaran, Lanao del Sur, nitong March 14.
Nabatid na si Abu Dar o Owaydah Marohombsar tunay na pangalan, ang siyang emir ng Islamic State sa Southeast Asia, kapalit ni Isnilon Hapilon na una nang nasawi sa kasagsagan ng Marawi siege kasama ang ibang Maute brothers.
Pinaniniwalaan naman na tanging si Abu Dar ang terrorist leader na nakatakas sa mga government forces sa gitna ng Marawi siege.
“For now his group is leaderless. We are monitoring who will replace Dar,” ani Lorenzana. “It’s Abu Dar’s remains.”
Batay sa impormasyon, nag-request ang mga otoridad sa kanilang US counterparts na isailalim sa DNA (deoxyribonucleic acid) testing ang hindi makilalang bangkay matapos itong tukuyin ng ilang informants bilang si Abu Dar.
Sa panig naman ni Colonel Romeo Brawner Jr., commander ng 103rd Infantry “Haribon†Brigade, umaasa aniya sila na tuluyan nang matutuldukan ang puwersa ng Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Lanao.
“We thank our US counterparts and the citizens of Lanao Del Sur for helping us neutralize the last remaining leader of the Maute-ISIS Group in the person of Abu Dar. We will not rest until we neutralize all the other remnants of this terrorist groupâ€, dagdag ni Brawner.