-- Advertisements --

LA UNION – Magsasagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Management Center (BFARMC) ng mas malalim na pagsisiyasat ukol sa nakitang mga patay na isda, alimango, at iba pang lamang dagat sa dalampasigan ng Brgy. Lingsat dito sa San Fernando City, La Union.

Ayon naman kay City Fisheries Coordinator Florycel Obeña, may hinala silang nalason ang mga isda at hindi sila naniniwala sa sinasabi ng ilan na itinapon ang mga ito sa dalampasigan.

Dagdag pa nito, na marami umano ang nakitang mga patay na isda sa tabi ng dagat ngunit pinagkukuha na raw ng mga bata kung kayat konti na lang ang kanilang nadatnan.