-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy pa ang isinasagawang laboratory examinations ng mga concerned government agencies kaugnay sa pagkamatay ng ilang mga isda, alimango at iba pang mga fresh water species sa Naliwatan River sa Brgy. San Vicente, Tunga Leyte.

Ayon kay Dra. Nancy Dayap, Regional Fisheries Laboratory Manager ng BFAR-8, na batay sa pamahayag ng mga residente na noong nakaraang lunes pa nang mapansin ang pagkamatay ng mga isda.

Dahil dito ay kaagad na kumuha ng fish samples ang BFAR nang sa gayon ay pag aralan an sanhi ng pagkakamatay ng mga isda.

Nanawagan naman ito sa publiko na ibigay alam agad sa kanila kung may maitalang fish kill sa kanilang lugar.

Kaagad naman na nagsagawa ng clean up drive ang mga otoridad nang sa gayon ay kunin at ilibing ang mga patay na isda.