-- Advertisements --

Kailangan muna umanong magpaliwanag ang pamunuan ng University of the Philippines (UP) kaugnay ng pagkamatay ng mga estudyante ng naturang unibersidad kasama ang mga rebeldeng  New People’s Army (NPA) bago magakaroon ng dayalogo ang Department of National Defense (DND) at UP.

Ito ang binigyang diin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag nitong willing umanong makipagpulong sa pamunuan ng UP kasunod ng termination ng DND-UP agreement na nagbabawal sa mga pulis at sundalong basta-basta na lang pumasok sa mga campuses ng prestihiyosong unibersidad.

Sinabi ni Lorenzana na na-appreciate nito ang desisyon ng mga kilalang personalidad maging ang mga miyembro ng senado na nagpasa ng resolusyon para magsagawa ng dialogue ang pamunuan ng UP at DND.

Maigi umanong ipaliwanag ng UP kung bakit bigo ang NPA na protektahan ang mga kabataang ito na unang sumali sa iba’t ibang organisasyon bago sila namatay.

Aniya, mayroon umanong listahan ang pamahalaan ng mga estudyanteng namamatay sa mga engkuwentro ng tropa ng pamahalaan at NPA at karamihan dito ay taga-UP.