Ipinag-utos na ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na imbestigahan ang pagkamatay ng naarestong Abu Sayyaf member sa Bohol na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad habang nasa kustodiya ng mga pulis.
Ayon PRO-7 director Chief Supt. Noli Taliño, inatasan na nya ang provincial police director ng Bohol para pangunahan ang imbestigasyon partikular sa mga pulis na kasama ni Saad ng ito ay mamatay matapos umanong mang-agaw ng baril .
Giit ni Taliño, normal na aniya ang ganitong imbestigasyon sa mga ganitong klaseng insidente.
Una nang sinabi ng opisyal na kinailangang ilipat sa BJMP district jail sa Tagbilaran si Saad dahil walang kulungan sa Bohol provincial police office kung saan ito unang dinala matapos maaresto.
Madaling araw kanina nang matapos ang imbestigasyon kay Saad at saka ito ibinyahe papuntang Tagbilaran para sana masampahan ng kaso.