Nananatili paring malaking palaisipan ang sanhi ng pagkamatay ng nasa 100 toneladang isa sa oder river na nasa border ng Germany at Poland at tinuturing na isa sa pinakamahabang ilog sa Europa.
Ayon kay Bombo International Correspondent Neva Intrepedo Kessler, sinusubukan ngayon ng mga eksperto na matukoy kung anong uri ng kemikal ang maaaring dahilan ng kontaminasyon na binansagan nilang environmental disaster.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang pagsusuri kung may presensya ng pesticides o ng 300 na iba pang substances sa ilog.
Una nang iniulat na mercury contamination ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda ngunit sa test,negatibo ang ilog sa nasabing kemikal.
Pinaalalahan naman ang mga residente na nakatira sa tabi ng ilog na huwag gamitin ang tubig sa ilog sa ano mang paraan.
Nag-alok naman ng 1 million zlotys o mahigit 11 million pesos ang Polish government sa sino mang makakapagbigay ng information sa taong responsible sa nasabing environmental disaster.