Itinuturong dahilan ngayon ang pagkamatay ng Oscar-winning actor na si Gene Hackman at asawa nitong si Betsy na natural cause umano, ayon sa New Mexico Office of the Medical Investigator.
Maalalang natagpuan ang mga labi ng mag-asawa noong Pebrero 26, sa kanilang tahanan sa Santa Fe, New Mexico, USA na ayon sa mga imbestigador isang linggo lang ang pagitan ng pagkamatay ng mga ito at isang misteryo parin para sa kanila.
Sa isang pahayag kinumpirma ni Heather Jarrell, Chief Medical Examiner ng New Mexico Office of the Medical Investigator, na ang sanhi umano ng pagkamatay ni Hackman ay may kaugnayan sa hypertensive at atherosclerotic cardiovascular disease, at ang Alzheimer’s disease ay may malaking bahagi ng mga ito.
Samantala ang sanhi naman ng pagkamatay ni Betsy Hackman ay tinukoy ng mga medical examiner na isang hantavirus pulmonary syndrome, isang sakit na dulot ng virus dala ng mga daga.
Parehong natural cause ang ikinamatay ng mag-asawa at walang nakitang palatandaan ng trauma o carbon monoxide poisoning, na isa sa mga hinala noon ng mga awtoridad.
‘The cause of death for Mr. Gene Hackman, aged 95 years, is hypertensive and atherosclerotic cardiovascular disease, with Alzheimer’s disease as a significant contributory factor’, pahayag ni Heather Jarrell.
‘The cause of death for Miss Betsy Hackman, aged 65 years, is hantavirus, pulmonary syndrome. The manner of death is natural,’ dagdag nito.
Ang hantavirus ay nagpapakita ng mga sintomas na katulad ng trangkaso, mataas na lagnat, pananakit ng kalamnan, ubo, at maaaring magdulot ng mas malubhang problema sa paghinga.
Ipinaliwanag pa ni Jarrell na ang hantavirus ay nakukuha mula sa dumi ng mga daga kung saan umano nakuha ng mag-asawa ang virus.
‘This occurs after a one- to eight-week exposure to excrement from a particular mouse species that carries hantavirus,’ ani ng medical investigator.
Samantala sa datos ng pacemaker data ng oscar-winning actor, natuklasan ng mga medical investigator ang huling aktibidad nito ay naganap isang linggo bago natagpuan ang mga katawan nila, kaya’t malamang na pumanaw umano si Hackman noong Pebrero 18.
Si Betsy Hackman naman ay pinaniniwalaang pumanaw isang linggo nang mas maaga, Pebrero 11.
Nahanap ng mga first responder ang katawan ni Betsy Hackman sa banyo, na may mga pills na nakakalat sa paligid, habang ang katawan ni Gene Hackman ay natagpuan sa ibang silid na nakasuot ng damit at may sunglasses malapit sa kanya, na nagpapahiwatig ng umano na nahulog ito.
Isang aso rin ang natagpuang patay sa banyo, at may dalawang ibang aso rin ang nakitang buhay sa tahanan ng hollywood star.