Ipinagluksa ng mamamayan ng Israel ang pagkamatay ng sundalong Pinoy na si Sgt. 1st Class (res.) Cydrick Garin na miyembro ng Israeli Defense Forces habang nagsasagawa ang mga ito ng ground operation sa Gaza.
Napukaw ng kwneto ng buhay ni Garin ang puso ng mamamayang israeli nang malaman nila ang kaniyang naging journey mula sa kinaharap nitong mga hamon para maging isang sundalo.
Lumaki siya sa poder ng kaniyang ina na si Imelda Garin na itinaguyod ang kanilang pamilya sa paninilbihan bilang cleaner sa Tel Aviv habang ang kaniyang ama na si Rico Garin ay na-deport dito sa PH noong 2 taong gulang pa lamang siya.
Sa murang edad nakaranas ito ng maraming pagsubok dahil sa financial difficulties na naudyok sa kaniya na mapasama sa mga kriminal sa edad na 15 anyos.
Ngunit sa kabila ng mga naging maling desisyon nito sa buhay, gumawa ng isang malaking desisyon si Cedrick na nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay nang ma-enlist ito sa Israeli Defense Forces.
Noong una muntikan ng maging balakid sa kaniyang pagpasok sa IDF ang kaniyang criminal background subalit dahil sa kaniyang determinasyon, ito ay nagbunga at naging miyembro siya ng Givati infantry brigade at mabilis na nakalipon ng reputasyon bilang mapagkakatiwalaan at dedikadong sundalo.
Kung matatandaan, kabilang ang 23 anyos na sundalong si Garin sa 21 mga sundalo ng IDF na napatay noong Enero 22 nang mabagsakan ng gusali na pinasabog ng Hamas sa gitna ng kanilang offensive ground operation sa Gaza.