-- Advertisements --
duterte PRRD agaton

Patuloy ang pag-asa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mawawakasan na sa wakas ang insurhensiya sa buong Pilipinas.

Kasunod pa rin ito ng pagkasawi ng founding chairman ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison na tinukoy pa ni Duterte bilang isang “end of an era”.

Sa isang pahayag ay muling inalala ng dating pangulo si Sison na kilala sa kaniyang mga radikal na maiisip na ideya na nakakaapekto aniya sa nagiging takbo ng kasaysayan.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga hindi nila naging pagkakasundo nito ay nagpaabot pa rin si Duterte ng kaniyang pakikiramay sa naiwang pamilya ni Sison, kasabay ng pagsasabing ipinagdasal din aniya ang kapayapaan ng Pilipinas.

Samantala, bukod dito ay patuloy naman ang naging panawagan ng dating pangulo sa lahat na bumuo na ng mas maayos at nagkakaisang bansa para sa mga susunod na henerasyon.

Kung maaalala, bandang 8:40pm ay naiulat ang pagkasawi ni Sison matapos ang dalawang linggong magkasunod na pananatili nito sa pagamutan.