-- Advertisements --
situation room
White House situation room

Kinumpirma na ni US President Donald Trump ang pagkamatay ni ISIS leader Abu Bakr al-Baghdadi.

Ayon sa US President, ilang linggo nilang minanmanan ang kinaroroonan ng ISIS leader.

Mayroon dalawa hanggang tatlong planned missions ang pumalpak bago magtagumpay.

Kuwento pa ni Trump na naging delikado ang misyon dahil sa kinailangan pa nilang lumipad sa airspace ng Russia.

Pinasalamatan ni Trump ang Russia, Turkey, Syria, Iraq at Syrian Kurds para sa tagumpay ng misyon.

Ibinunyag din ni Trump na napatay ang tatlong bata at dalawang babae sa nasabing misyon kung saan ang mga babae ay nakasuot ng suicide vest.

Namatay si Baghdadi sa pamamagitan pagpapasabog ng kaniyang sarili ng makapasok na ang mga US forces sa lugar kinaroroonan niya.

Hindi na rin niya sinabihan ang lahat ng mga mambabatas para hindi masira ang misyon.

Ibinahagi naman ni Dan Scavino, White House director of social media, ang larawan ng situation room kung saan kasama ni Trump sina Vice President Mike Pence, Natonal Security Advisor Robert O’Brien, Secretary of Defense Mark Esper at Chairman of Joint Chiefs of Staff U.S. Army General Mark A. Milley at Gen. Marcus Evans, Deputy Director for Special Operations.