-- Advertisements --
cropped jose maria sison

Naniniwala ngayon ang Department of National Defense (DND) na simbolo ng pagbulusok ng hierarchy ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front – Department of National Defense ang pagpanaw ng founder nitong si Jose Maria Sison.

Ayon sa DND, binuo raw nito ang grupo para ilagay ang kanyang sarili sa kapangyarihan.

Sinabi ng DND na napagkaitan ng oportunidad ang mga Pinoy na magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng puganteng si Sison.

Responsable raw si Sison sa pagkamatay ng libo-libong Pilipino sa ating bansa kabilang na ang mga inosenteng sibilyan, mga sundalo, pulis, mga bata at kabataang combatants na namatay dahil sa kanyang bidding.

Dahil dito, nanawagan ang DND sa mga natitirang naniniwala pa rin sa kay Sison na sumuko na ang mga ito at magbalik loob sa pamahalaan.

Marami pa rin kasi umanong mga nagbubulag-bulagan sa mga napakong mga pangako ni Sison na mga rebelde.

Wala rin umanong kinahantungan ang limang dekadang brutal at bloody aggression laban sa gobyerno.

Wala raw itong pinatungunan kundi ang pagkasira at alitan ng libo-libong mga Pilipino.

Mas maganda rin umano ang kinabukasan ng bagong era na wala si Jose Maria Sison.

Nawala rin umano ang malaking harang sa kapayapaan sa bansa kayat nararapat na bigyan ng tiyansa ang kapayapaan sa bansa.