-- Advertisements --

All set na sa nalalapit na mas malaking event sa buwan ng Marso ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena matapos na magkampeon na naman sa Orlen Copernicus Cup sa Poland.

Naghahanda kasi si Obiena para sa prestihiyosong World Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Belgrade mula March 18 hanggang March 20.

Una ng na-clear ni Obiena ang 5.41 meters high sa first try hanggang sa maabot niya ang 5.81 meters sa final attempt.

Dito na kinapos ang kanyang mga karibal.

Pumangalawa kay Obiena si Ben Broeders ng Belguim na umabot sa 5.71 meters at ang Olympic veteran na si Thiago Braz ng Brazil ay pumangatlo sa 5.71 meters.