Ayaw nang patulan pa ng Malacañang ang panibagong banat ni Sen. Antonio Trillanes IV laban sa administrasyon partikular ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isara ang KAPA dahill ito ay pyramiding scam.
Magugunitang sinabi ni Trillanes na kung totoo ang impormasyong rehistrado ang KAPA sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang religious organization at ang sinasabing investment ay nakasaad sa dokumento bilang donasyon, walang karapatan umano si Pangulong Duterte na pigilan ang operasyon nito dahil sa constitutional guarantee of religious freedom.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagsimula na namang magmaktol si Trillanes na alam ng lahat bilang dating rebeldeng sundalo na “walanghiya.”
Ayon kay Sec. Panelo, gaya ng dati, wala na namang saysay ang mga pinagsasabi ng “aroganteng” si Trillanes.
“Other than saying that the latest ranting of the incorrigible shameless former military renegade is as usual nonsensical and pompous, it is undeserving of a response,” ani Sec. Panelo.