-- Advertisements --
Libu-libong kabataan ang nagprotesta sa kabila nang pagkumpirma ni President Abdelaziz Bouteflika, ngayon ay presidente ng bansang Algeria, na muli itong tatakbo sa pagka-pangulo.
Sa isang liham, sinabi ni Bouteflika na kapag nanalo muli ito sa April election ay magsasagawa umano ito ng “inclusive national conference” upang mapagbotohan kung sino ang susunod na presidente ng bansa.
Dagdag pa nito, naiintindihan niya ang mga kabataan at handa itong makinig sa kanilang pag-aalala tungkol sa kinabukasan ng Algeria.
Sa kabilang banda, anim na kandidato naman ang nagpahayag na rin ng kanilang planong pagtakbo bilang pangulo sa darating na halalan. (with report from Bombo Sol Marquez)