Suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang back channel talks sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front).
Ayon kay Lorenzana, tama lang ang ginawa ng pangulo dahil hindi tumitigil ang rebeldeng grupo sa paglulunsad ng kanilang mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ng kalihim na ang ginagawa ng NPA ay pagtraydor sa gobyerno na sinsero sa pagsusulong ng kapayapaan.
Tiwala ang kalihim sa integridad at katapatan ng government peace panel dahil ginagawa ng mga ito ang tingin nila nararapat sa bayan, alinsunod sa batas at adhikain ng pangulo.
Pero duda si Lorenzana sa sincerity, integrity at motibo ng kabilang grupo kung kaya suportado si Duterte.
Aminado naman ang Defense chief na siya ay nalulungkot dahil sa pagtigil ng usaping pangkapayapaan.
Aniya, napatunayan naman ng gobyerno ang sinseridad sa pakikipag-usap sa komunistang grupo.
“Tiwala ako sa integridad at katapatan ng ating Government Peace Panel. Alam kong ginagawa nila ang sa tingin nila ay nararapat para sa bayan, alinsunod sa batas at adhikain ng ating Pangulo. I, however, question the sincerity, integrity, and motives of the other side. That is why “I fully support the President’s decision not to resume the formal peace talks unless the CPP-NPA stop their attacks and extortion activities, and reign in the warmongers among them,” pahayag ni Lorenzana.