-- Advertisements --

Hinangaan ng kaniyang mga fans ang pagkanta ni Alanis Morissette kasama ang anak nito.

Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video na kasama ang anak at inawit ang bagong kanta nitong “Ablaze”.

Ito ang unang pagkakataon na kasama niyang kumanta ang 4-anyos na anak na babaeng si Onyx.

Natuwa rin ang mga fans dahil parang nakikipaglaro lamang ito sa anak habang kumakanta.

Ang nasabing kanta ay inilabas noong July 31 sa inalagay sa anak.

Kasama ang kanta sa bagong album nitong “Such Pretty Forks in the Road” na siyang unang kanta ng singer na inilabas sa loob ng walong taon.

Huling naglabas ng album ito noong 2012 na kantang “Havoc and Bright Lights”.