-- Advertisements --
guiao2
Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao

Itinuturing na isang hamon ni Gilas Pilipinas head coach ang naging pagdududa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kakayahan na magwagi sa 2019 FIBA World Cup.

Sinabi ni Guiao, na tatratuhin nila ang pahayag ng pangulo sa positibong pamamaraan.

Dagdag pa nito na tiwala siya sa kakayahan ng kaniyang mga manlalaro.

Naniniwala din ito na sa bandang huli ay maniniwala ang pangulo sa kakayahan ng Gilas Pilipinas.

Magugunitang tila kinantiyawan ng pangulo ang Gilas na wala silang panalo lalo na at makakatapat agad nila ang bansang Italy sa Group D games.

Bukod sa Italy ay kagrupo ng Gilas ang Angola at Serbia.