-- Advertisements --
Kinilala na ng World Health Organization (WHO) sa unang pagkakataon ang “burn-out” o pagkapagod sa trabaho bilang bahagi sa listahan ng International Classification of Disease.
Ang desisyon ay ipinatupad sa ginawang World Health Assembly sa Geneva.
Base sa WHO, ang burn-out ay itinuturing bilang “syndrome conceptualized as resulting from chronic workplace stress that has not been sucessfully managed.”
Sinasabing ang syndrome ay inilalarawan sa tatlong dimension:
1.) exhaustion
2.) increased mental distance from one’s job
3.) reduced professional efficacy.
Sinabi ni WHO spokesman Tarik Jasarevic na ito ang unang beses na maisama sa listahan nila ang nasabing sakit.