(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tiwala ang Philippine Army na hihina pa ang kilusang terorismo na inihasik ng grupong Dawlah Islamiyah sa bahagi ng Mindanao partikular sa Lanao provinces.
Kasunod ito ng matagumpay na pagka-neuralized ng limang suspected DI members na pinangunahan ni Uya Dama alyas Lagbas na taga-Malangas,Zamboanga Sibugay kasama sina Ameril Datumaas alyas Siyol;Hosni Datumaas,minor na kapwa taga-Lanao del Norte;alyas Yadin at alyas Johaiber na hindi pa tukoy ang mga address.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na malaking dagok para sa teroristang grupo ang pagkasawi ng kanilang mga miyembro kaya mabawasan na rin ang panggugulo ng mga ito sa Mindanao.
Magugunitang isinilbi ng Philippine National Police -Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG 9) ang warrant of arrest laban kay Uya at kapatid nito na si Musa Dama ng kasong kidnapping subalit lumaban kay nagka-engkuwentro ng kalahating oras sa Brgy Bangco,Sultan Naga Dimaporo,Lanao del Norte noong madaling araw ng Oktobre 23.
Sugatan rin ang isa pang kasamahan nila si Bucari Datumaas at arestado si Rauf Odin Datumaas na parehong taga-Sultan Naga Dimaporo.
Samantala,wala naman naiulat na nasawi o sugatan sa panig ng government operating troops.
Narekober sa posisyon ng mga nasawi ang tig-tatlong M-16 at Garand rifles; 2 pistols;klase-klaseng magazines;2 granada at assorted ammunitions.