CAGAYAN DE ORO CITY – Tama ang tinahak na direksyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr na lumapit sa mga tinawag na ‘like minded nations’ katulad ng Estados Unidos upang lalong lumakas ang legal claim ng Pilipinas sa usaping West Philippine Sea na inagaw ng China gamit ang dahas.
Ito ang dahilan na dapat suportahan at bigyang palasamat ng publiko ang pinili na desisyon ni Marcos na ipakita hindi lang sa sambayanang Filipino subalit sa lahat ng mga lahi kung gaano hinaras ng China ang Pilipinas dahil sa disputed territorial claims.
Sinabi ni Cong.Rufus Rodriguez ng pangalawang distrito ng Cagayan de Oro na bahagyang nakabawi ang gobyerno sa kasalukuyan dahil malaking pagkakaiba ang foreign policy na ipinapatupad ng dating Duterte administration sa usapin.
Inihayahag ni Rodriguez na ang pagkaroon ng liked minded nations ay malaking tulong upang malimitahan ang mga galaw ng Tsina.
Bagamat maraming mga barko pa rin ang namataaan subalit hayagan naman na umani ito ng backlash mula international community epekto ng mga paglalahad ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard sa malalaking pangyayari sa loob ng mga pinag-aagawang isla.