-- Advertisements --

Pagkakasangkot sa iligal na droga at carnapping ang tinitignan ngayon ng PNP sa pagpatay sa limang katao sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ito ay matapos na makakuha ng mga kapulisan ng pitong sachet ng hinihinalang shabu bukod pa sa mga basyo ng kalibre .45 at calibre 40 na ginamit ng hindi pa kilalang mga suspek.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga suspek sa Brgy. San Pedro, nakarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril nitong madaling araw ng Huwebes.

Matapos ang insidente ay nakitang nakahadusay na lamang ang tatlong lalaki at dalawang babae sa loob ng bahay.

Kinumpirma naman ni San Jose del Monte PNP chief Police Colonel Orlando Castil Jr, na karamihan sa mga biktima ay nasa drug watchlist ang mga ito.

Ang isang biktima naman ay may kasong carnapping.