-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hanggang ngayon ay hindi pa makomperma ng mga otoridad ang pagkasawi ng dalawang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Bago lang ay nasawi si Sheikh Al Muhajir Solaiman Tudon alyas Kumander Abu Jihad na tagapagsalita ng BIFF Karialan faction.

Ito ang kinumperma ni Abu Sabaha,General Staff ng BIFF Karialan faction.

Matindi umano ang sugat ni Kumander Abu Jihad sa aitstrike ng Joint Task Force Central sa bayan ng Datu Paglas kaya tuluyan na itong binawian ng buhay habang nagtatago sa Liguasan Delta.

Matatandaan na unang binawian ng buhay ang Pinuno ng BIFF Karialan faction na si Sheikh Muhideen Animbang Endong Alyas Ustadz Kagi Karialan na tinamaan sa airstrike ng military sa SPMS Box.

Ngunit sa pahayag ng ilang opisyal ng militar at pulisya posibling drama lamang ito para ilihis ang pagtugis sa mga terorista.

Sinisikap ngayon ng mga otoridad na makomperma ang totoo at beripikadong ulat sa pagkasawi ni Tudon at Karialan.