-- Advertisements --
image 194

Walang kaugnayan ang naging pananampal ng isang guro sa pagkasawi ng grade 5 students na si Francis Jay Gumikib sa Antipolo City.

Ito ang kinumpirma ni Antipolo City Police Station Chief of Police PLTCOL. Ryan Manongdo kasunod ng pagtatapos ng otopsiya at histopathological examination ng PNP forensic group sa mga labi ng biktima.

Batay kasi sa isinagawang examination ng mga eksperto ay napag-alamang intracerebral hemorrhage and edema o pamamaga, at pagdurugo ng utak at pagputok ng ugat sa utak ang ikinasawi ng bata na isa anilang rare condition na dulot ng kaniyang underlying condition.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Manongdo na bagama’t lusot na sa masong homicide ang nasabing guro ay hindi pa rin ito makakaligtas sa kasong paglabag sa anti-child abuse law partikular na sa umano’y ginawa nitong pananampal at pananabunot sa naturang estudyante.

Samantala sa ngayon ay hindi pa masabi ng hepe kung tinanggap na naulilang pamilya ng biktima ang resulta ng isinagawang autopsy ng PNP forensic group ngunit kaugnay nito ay pinayuhan aniya ang mga magulang nito na maaaring kumuha ng second opinion kung hindi kumbisido sa naging findings ng mga eksperto.