ILOILO CITY – Pumalo na sa P1-bilyon ang halaga ng pagkasira ng agrikultura sa probinsya ng Iloilo dahil sa mahinang El Niño.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Provincial Agriculturist Dr. Ildefonso Toledo, 26,000 na ektarya na ng palayan ang apektado base sa March 31 record ng kanilang tanggapan.
Aniya, halos lahat na ng bayan ang apektado lalo na ang mga rainfed farming.
Sa ngayon, hinahantay pa ng nasabing opisina ang mungkahi ni Department of Agriculture (DA) Sec. Emmanuel Piñol sa gagawing cloud seeding.
Samantala inaasahan naman na magdeklara rin ng state of calamity ang tatlong bayan sa Iloilo na kinabibilangan ng Janiuay, Maasin at San Dionisio.
Nauna nang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Bingawan at Lambunao sa Iloilo.