Apat na ahensiya ng gobyerno ang nag-iimbestiga ngayon kaugnay sa nangyaring sunog sa Zamboanga del Sur Provincial Health Office nitong weekend kung saan nasa 148,000 doses ng Covid-19 vaccine ang kabilang sa nasira.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, iimbestigahan ng DOH, PNP, Bureau of Fire Protection sa pakikipag tulungan ng DILG.
Sinabi ni Ano, kanilang titignan kung ano ang naging pagkukulang at nasira ang mga Covid-19.
Giit ng kalihim ang nasabing insidente ay magsilbing wake up call sa mga local chief executives na ang bakuna ay hindi napupunta sa wala dahil mahalaga na maturukan ng bakuna ang ating mga kababayan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) tinatayang nasa P1.5 million halaga ng pinsala sa nasabing sunog.
Inatasan naman ni Sec Ano ang mga local chief executive na mag talaga ng senior data officer na siyang mag monitor sa mga isinumiteng vaccination accomplishment reports sa National Vaccination Operation Center.
Inihayag naman ni ANo na nasa 30percent pa sa mga LGUs ang hindi consistent sa pag update ng kanilang reports bago dumating ang 6 a.m. na cut-off.
Nais paiimbestigahan ng kalihim ang mga LGUs sa mabagal ang kanilang vaccination rollout.
Ipinaubaya na rin ng Pang. Rodrigo Duterte ang pagpataw ng sanction sa mga LGUs na usad pagong ang kanilang vaccination program.