-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog sa Brgy. Pagdugue, Dumangas, Iloilo kung saan namatay ang guro at tatlo nitong menor de edad na anak matapos na trap sa nasusunog na bahay.

Ang biktima ay si Rhea Padios, 38, ang ang tatlo nitong mga anak ay sina Hienz Michael, 7, Hera Earl, 6, at Hailey Elestine, 3.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Joeven Arevalo, hepe ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na isasailalim sa autopsy examination ang bangkay ng mag-iina upang matiyak kung may foul play sa insidente.

Ayon sa hepe, naikwento ni Ginang Padios sa kanyang mga kaanak, na may magkakanaw na nais manloob sa kanilang bahay, ngunit hindi anya ito naisumbong sa pulis.