-- Advertisements --

JIANGSU, China – Sinisiyasat na ng mga eksperto ang pagkasunog ng dating Soviet aircraft carrier Minsk na pag-aari na ng isang kompaniya sa China.

Nangyari ang insidente sa Nantong, na isang prefecture-level city sa southeastern Jiangsu province, China.

Hindi pa batid ang ugat ng pangyayari, kung sinadya o aksidente at kung magkano ang naging halaga ng pinsala.

Matatandaang binili ng Chinese company ang naturang barko noong 1995 para gamiting theme park.

Nagkaroon pa ng iba’t-ibang operator ang barko at ginamit bilang tourist attraction.