-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinabulaan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagkasunog sa bodega ng Delomer Poultry Builder Farm at residential house sa Purok 1, Ginugutan, Brgy Casisang, Malaybalay City, Bukidnon.

Ito ay kahit nagpapatuloy pa rin ang kanilang ginagawang imbestigasyon sa sunog na nagtala ng P2.4 milyon na danyos sa naturang lugar.

Sinabi ni Malaybalay City Fire Marshall Senior Inspector Lloyd Villaroya na nagmula sa kisame ng residential house ang apoy hanggang sa nadamay ang bodega.

Inihayag ni Villaroya na faulty electrical wiring ang pinakamalapit na anggulo na kanilang tinututukan na pinagmulan ng sunog.

Ayon naman kay 403rd Brigade Philippine Army commanding officer Col. Edgardo de Leon naniniwala siyang hindi na magagawa ng NPA na muling maglunsad nang pang-aatake sa mga sibilyan dahil kinokondena na sila maging ng international community.